Sa pagitan ng mga puwang at iba pang tula

  

SA PAGITAN NG MGA PUWANG at iba pang tula
(alay sa Buwan ng Wika)
Ni: Virgilio Aquino Rivas
I
Sa pagitan ng mga puwang
Sa pagitan ng mga puwang
Ng itinatanghal na manhid ng katahimikan
Tadhana’y balisang pipi.
Bawat pagitan hinumpak
Ng bigat ng impiyernong naghahabol.
Sumpang mahinahon (putanginang) hinihimatong
Ng mga labing nangalirang.
Mala-santong mapagbunsod
Gaya ng tubig-alat kung saan sariwang
Mga daliring pilit pinupulan ng kuko’y
Ilulubog
Walang-hanggang
Kalapastanganan ng mga pangako.
II
AyS KRiM
Nabunyag ng panlalamig malalim na pula
Ah, pula ang mukha ng pag-ibig!
O, awa upang mapagsaulang muli
Lusawin itong niyebe sa porselanang bibig! 
III
Pimienta
Balahibo ni Miguel
Posturang anghel.
Paris sa kaparis.
Si Adonis.
Mapakanang mukha.
Maalab, makisig.
Ay!
Talim ng sable’y pangal.
Dalangin umaangal.
Test mic.
Tiri.
Tu.
Wan.
Hayaan siya!
Ipalagay na lang—
Nagkakagulang.
Bata, o madamong pimienta!
Dahong matapang.
Maanghang, o
Malambot na berde.
One .
Two.
Three.
Asawa ni Mari!
3 Agosto, 2006
Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s