Estudyante Noon

Ilang Dalit sa Panahon ng Haring Bastos (c. ’96)

I

Nabibiro ka rin pala.

Sa halip na manatiling tahimik sa ilalim ng pagal na gabi’y hindi ka magkandatutong pumaling-paling sa magkabilang gilid

ng basnigan ng iyong mundo—

o di kaya’y nahihirapan ka nang magparaos sa sarili habang nakatayo?

Nabibiro ka rin pala—may hinahabi kang kuwento sa isip habang nangangalos na ang diwa.Hindi ka naman naka-bato o may naiwan ka bang pakay sa maghapon na di mo natupad nang gising?

Nabibiro ka rin pala—

Wala naming ibig sabihin ang lahat.

Bakit hindi mo simulang dumilat nang makita mo ang mga upos sa kahoy

na sinisera: wala ng puwang sa sining na itinutukso mo sa akin.

II

Buhol-buhol ang trapik sa lansangang pinadparan ng mga paang walang pakialam sa oras. Masalimuot ang galaw ng mga taong nasasalubong at kakiskisang siko nang sumampa sa dyip:

Di mapigil ang pagluwal ng mga sandali sa masikip na sisidlan ng hanging nagpaikli sa hininga ng mga pangarap.

Sandali lang at pumanaog na rin.

Napagisip-isip ko: kung maglakad na lang kaya pauwi at ibuhol ang isip sa daang nagpabigat sa mga yabag mo nitong huli?

III

Tatalikuran ba ng pluma ang makata? Naghihingalo na yata ang tinta sa tumitirik pa ring likot ng isip?

Ah, nagtatalo ang hamog at umaga sa mga titik na iuukit ng sining.

Igigiit ba ng loob na gisingin ang langit na hiniraman mo ng mga pakiusap at katarungang sinalsal mo sa dilim?

Hahawiin ba ang tabing ng ninakaw na pagniniig sa ngalan ng inasam na paglaya?

Wala ng bago pa sa tagpong ikinubli ng gabi.

Hahayaan ba ang mga pagkukusa–pampatawid uhaw ng puson at labi?

Gayunpaman,

pangarap na laman ko ang titik sa sinapupunan ng iyong umaapaw na gabi.

Ah, kailangan ko ng pamunas.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s