A Blog by Virgilio Rivas

Para kay Daniel

(Nag-email si Daniel. Nangangamusta…At nakiusap…Buong teksto makikita sa seksyon II ng ‘post’ na ito)

I

Ang sarap pakinggan ng mga dalit mo, kasama. Parang awit ni Gary Granada, awit na binabalik-balikan o bumabalik sa alaala. (Naks!). Heto ang ilang putol sa awit (mga linyang tumatak sa isip):

“Ano ang gagawin ng pusong hindi mapagbigyan?
Ang magkatunggaling pangako at pakiramdam
May isang paru-parong paroroo’t paririyan
Sa pagitan ng ngayon at kailanman…”

At heto ang malupit:

“Ibig kong alamin kung ang pag-big may puwang
Sa pagitan ng ngayon at kailanman…”

Kung alam mo ang awit na ito, kantahin mo.Huwag nang magpatumpik-tumpik.
Magparaya sa kiliti ng mga titik, mensaheng mala-Rilke sa diwang sabik sa halik…

May kung anong dumadapo sa buhay mo kasama. Pakiwari ko’y paru-paro…
Anupaman, insekto…

II

tol, kumusta? di ko makontak mga number mo na nasa akin. wala na ba ang mga to? tol, pakipasadahan naman. comment pls. thanks! godspeed!

Pag-Ibig
ni dan fangon

pag-ibig.
kumatok. pinagbuksan.
mananahan. sa pusong hungkag sa
pagmamahal.
pagmamahal.
yumapos. naramdaman.
hinagkan. ang labing tigang sa
halik.
halik.
kay tapat. pinagbigyan.
pinawalan. mga diwang dati’y walang
tinig.
tinig.
narinig. pinakinggan
naunawaan. kaluluwang bihag ng
nakaraan.
nakaraan
nilingon. malilimutan.
iiwan. ng mga pusong tigib sa
pag-ibig.
pag-ibig.
kumatok. pinagbuksan
mananahan. sa pagitan ng
noon at kailanman.

—Hulyo 16, 2011 0705, Cubao, Quezon City
(All rights reserved)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s